National

Mga grupong militante nagprotesta sa Senado


Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupong sumusuporta sa kumpirmasyon ng mga makakaliwang kalihim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa nagprotesta ang grupong Bayan at Gabriela na humihikayat sa Commission on Appointments (CA) na kumpirmahin sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano.
Naniniwala ang naturang grupo na ang tatlong kalihim ay mga lider na may tunay na reporma at dala ang tunay na pagbabago.
Iginiit din ng mga tagasuporta ni Lopez na sa loob ng sampung buwan ng pagiging kalihim nito sa DENR ay marami itong nagawa para protektahan ang likas na yaman ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *