Mga fully vaccinated na papasok ng Malaysia, maaari nang mag-aplay para sa home quarantine

Mga fully vaccinated na papasok ng Malaysia, maaari nang mag-aplay para sa home quarantine

MAAARI nang mag-aplay para sa home quarantine ang mga fully vaccinated na manlalakbay na papasok ng Malaysia.

Inanunsyo ng Ministry of Health Khairy Jamaluddin, nitong Lunes na maaari nang mag-aplay ng online para sa home quarantine ang lahat ng mga fully vaccinated na manlalakbay at nagnanais pumasok sa bansa.

“This will be replaced by a process where you will receive an answer within three days of submitting a complete application. Tomorrow just click on the HQA (Home Quarantine Application) banner on our MOH website,’’ayon kay Jamaluddin.

“This will allow more Malaysians and returning expatriates to quarantine in their own homes without having to spend money for hotel quarantines,”dagdag nito.

Ayon sa MOH, papayagan lamang ang home quarantine sakaling ang mga tirahan ay angkop base sa isasagawang risk evaluation at mayroong negatibong RT-PCR test result.

Base sa kanilang inilabas na abiso, simula ngayong araw Setyembre 21, maaari nang mag-aplay ang mga fully vaccinated individuals na mga manlalakbay para sa home quarantine sa pamamagitan ng pagbisita sa website na moh.gov.my.

Ang aplikasyon ay dapat gawin 7 hanggang 10 araw bago ang petsa ng pagpasok ng Malaysia, habang ang naturang aplikasyon ay maipoproseso sa loob ng 7 araw.

Sinabi ni Jamaluddin makakatanggap ng kasagutan ang isang aplikante sa loob ng tatlong-araw pagkatapos ng mga ito na maisumite ang isang kumpletong aplikasyon.

Dagdag ng Health Ministry na papayagan nila na makapasok sa bansa ang maraming mamamayan ng Malaysia at mga expatriate para sumailalim sa home quarantine sa kanilang sariling tirahan nang hindi gumagastos ng pera para sa quarantine hotel.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *