Mga flights patungong Hong Kong, kanselado simula ngayong araw

Mga flights patungong Hong Kong, kanselado simula ngayong araw

PANSAMANTALANG kanselado simula ngayong araw, Abril 20, 2021, ang mga flights ng ilang airlines mula sa Pilipinas papasok ng bansang Hong Kong  na inaasahang tatagal  sa loob ng hanggang dalawang linggo.

Ang suspensyon ng Pilipinas, kasama ang bansang India at Pakistan ay pasok sa klasipikasyon bilang “extremely high risk” matapos na magkaroon ng maraming kaso ng N501Y mutant ng COVID-19 strain sa Asian financial hub nitong nakalipas na 14-araw.

Ayon kay Cielo Villaluna ang spokesperson ng Philippine Airlines, kanselado muna ang kanilang flights PR300 Manila to Hong Kong para sa naka-iskedyul na biyahe nito mula Abril 20 ,23 at Abril 27.

Ayon pa sa PAL, gagana pa rin ang flight schedule ng Flight PR 301 mula Hong Kong patungong Manila na may biyahe ngayong araw Abril 20, Abril 23, at Abril 27.

Para sa mga naunang flights na mula Manila patungong Hong Kong, mag-ooperate pa rin ang lahat bilang cargo charters.

Una na rin kinansela ng Philippine flag carrier ang Flight PR 300 at PR 301 para sa schedule nito mula Abril 21 hanggang Abril 30 dahil pa rin sa pinaiiral na limitasyon ng mga pasaherong dumarating sa NAIA

Sa kabila ng mga umiiral na travel restriction inabisuhan naman ng naturang airlines ang mga naapektuhang pasahero sa pamamagitan ng email.

Pinapayuhan din ang mga pasahero na apektado na maari ding nilang i-convert ang kanilang ticket sa travel voucher nang hanggang Hunyo 30, 2021.

Maari ding mag-avail ng unlimited rebooking na walang rebooking fee ng hanggang Disyembre 31,2021 at maaari ding mag-refund na walang penalties.

Bago naman magbyahe, importante pa ring i-check ang mga pinakahuling ‘entry restrictions at quarantine requirements’ para sa pagdating o pag-transit sa bansang Hong Kong.

(BASAHIN: 21 araw na quarantine sa Hong Kong, paiikliin)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *