mga gadget at alahas sa paaralan
National

Mga estudyante, hinimok na iwasang magdala ng mga gadget at alahas sa paaralan

ILANG araw bago ang school opening, hinimok ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga estudyante na iwasang magdala ng mga gadget at alahas sa paaralan para sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, dapat paalalahanan ng magulang ang kanilang mga anak na huwag magdala ng bagay na basta-basta na maaring manakaw.

Nanawagan din ito sa mga mag-aaral na maging maingat at mapagmatyag.

Kaugnay nito, tiniyak ni Eleazar na handa na ang NCRPO na magbigay seguridad sa pagbubukas ng klase sa June 3 at nagsagawa na rin sila ng iba’t ibang inspeksyon sa mga paaralan.

Maglalagay din aniya sila ng Police Assistance Desks sa mga paaralan para tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at checkpoints sa mga kalsada para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.

Una nang sinabi ng NCRPO Chief na nasa 7,000 pulis ang kanilang idedeploy sa Lunes.

 SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *