Mga eskwelahan sa Lalawigan ng Pangasinan, kanselado hanggang April 12

Mga eskwelahan sa Lalawigan ng Pangasinan, kanselado hanggang April 12

KANSELADO ngayon ang pasok sa lahat ng antas ng eskwelahan dito sa Pangasinan.

Sa inilabas na Executive Order No. 0012-2020 layun nitong ipatupad ang mga hakbang upang maiwasan ang patuloy na banta ng COVID-19 at isa na nga rito ang pagkansela ng pasok ng mga estudyante.

Base sa Executive Order nakasaad rito na magsisimula ang kanselasyon ng pasok mula Marso 16 hanggang Abril 12, 2020 at sakop nito ang lahat nang pampubliko at pribadong paaralan dito sa probinsya ng pangasinan.

Kabilang rin sa naturang EO ay ang kanselasyon o postponement sa lahat ng mga school activities kagaya ng JS PRom, social nights, graduation balls, at foundation day celebrations.

Samantala, maliban sa pasok ng mga estudyante suspendido rin ang lahat nang mga public gatherings sa mga barangay, munisipalidad at iba pa dahil nakakapagdulot umano ito ng dagsa ng tao.

Inihalimbawa sa naturang EO ang mga aktibidad kagaya ng selebrasyon ng barangay fiestas at barangay assemblies, mga pista sa mga bayan at syudad, reunions, trade fairs, carnivals, balikbayan affairs, concerts, fund raising events, at iba pang mga public events.

Itoy bilang hakbang upang maiwasan ang nakamamatay sa COVID-19.

ALMAR FORSUELO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *