Chinese New Year
National

Mga employer, pinaalalahanan hinggil sa pay rules sa Chinese New Year

NAGPAALALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil sa pay rules sa darating na Chinese New Year sa January 25, 2020.

Idineklarang special non-working holiday ang January 25, 2020 bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ayon sa DOLE Labor Advisory No. 02, makakakuha ng dagdag na 30% mula sa kanilang basic wage ang papasok sa nasabing araw.

Makatatanggap naman ng dagdag na 30% mula sa kanilang hourly rate ang mag-o-overtime o magtatrabaho ng higit sa walong oras.

Samantala, “no work, no pay” naman ang ipapatupad sa mga empleyadong hindi papasok sa nasabing araw, maliban nalang kung mayroong kasunduan sa pagitan ng empleyado at kumpanya.

Ang pay rules para sa nasabing holiday ay alinsunod sa Proclamation No. 845 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Nobyembre 2019.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *