Business

Mga empleyado ng ABS-CBN, magkakaroon ng job referral system —DOLE

MAGKAKAROON ng one-stop-shop center ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Capital Region (NCR) at na magbibigay ng oportunidad sa mga manggagawang naghahanap ng trabaho at partikular para sa matatanggal na mga empleyado ng ABS-CBN Corporation.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque,  ito ay upang makapag-apply sa naturang center ang mga mare-retrench na empleyado ng ABS-CBN.

 

Binanggit ni Roque na tinawagan nito si DOLE Secretary Silvestre Bello III at sinabing magkakaroon ang ahensya ng job referral system at job fair sa naturang one-stop-shop center.

 

Inihayag ng DOLE na ang naturang aktibidad ay hindi lamang para sa maaalis na mga manggagawa ng ABS-CBN, kundi, bukas din ito para sa lahat.

 

Una rito, inanunsyo ng nasabing broadcasting network na magkakaroon sila ng tigil-operasyon sa ilang negosyo at magbabawas din ng mga empleyado na epektibo sa August 31, 2020.

 

Hindi naman iniulat kung ilan ang eksaktong bilang ng mawawalan ng trabaho.

 

SMNI NEWS

 

BONUS OFFER

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close