Mga eksperto, nanawagan na huwag harangin ang pagpasok ng Chinese investors sa bansa

Mga eksperto, nanawagan na huwag harangin ang pagpasok ng Chinese investors sa bansa

NANAWAGAN ang ilang eksperto sa kongreso na huwag ipitin ang pagpasok ng Chinese investors sa bansa.

Sa pandesal virtual forum kaninang umaga, kinuwestyon ng mga eksperto ang senate version ng panukalang amyendahan ang Public Service Act na haharang sa pagpasok ng Foreign State Owned Enterprises o SOEs sa bansa.

Ayon sa mga eksperto, China lamang ang dinadaan sa FSOEs ang foreign direct investments.

Kaya ayon kay dating Palace Spokesman Harry Roque, unfair sa China ang panukala.

“This is discriminatory to China because, as you know, many of the companies engaged in public service, including power generation and power distribution, are state-owned enterprises,”ayon kay Atty. Harry Roque.

Diin din ni Roque, na unconstitutional kung maipapasa ang probisyon na ito sa batas.

“I submit that this discriminatory provision against a state-owned enterprises, particularly from China, is patently unconstitutional,”saad nito.

Bukod sa Chinese investors, sinabi naman ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry na mahaharang din ang pagpasok ng invesment mula sa ibang bansa.

Katulad aniya dito ang Singapore na sa SOEs rin pinadadaan ang foreign investments.

“As such, we call on our lawmakers to review and revise outdated laws in order to adapt to present day realities,”ayon kay Dr. Henry Lim Bon Liong.

Ayon sa mga eksperto, mas malaki ang naitulong ng China sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.

Lalo na ngayong panahon ng pandemya na ang Chinese government ang pinaka-unang nagbigay ng donasyong mga bakuna.

Kaya mali aniya na tratuhin ng ganito ang isang tumutulong na bansa.

Sa ngayon ay pasado na sa dalawang kapulungan ang panukala at ang tinututulan nila ngayon ay ang senate version na para sa grupo ay Anti-China.

Umaasa naman ang grupo na mababago ang polisiyang ito bago makarating kay Pangulong Duterte ang pinal na kopya ng panukala.

“We hope that the approval of the correct version of this bill in the House and Senate will pave the way for its enactment into law,”dagdag ni Liong.

“Hopefully, members of congress over these provisions and lets open up to everyone so that the Philippines could benefit in the same way that our neighbors benefited from all the foreign investment that had come to their countries,”ayon kay Peter Lavina.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *