Mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, wala pang nagpositibo sa COVID-19

Mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, wala pang nagpositibo sa COVID-19

WALA pang naitatalang nagpositibo sa COVID-19 sa mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City noong Biyernes.

Ito ang nilinaw ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, nagnegatibo sa antigen test ang apat na indibidwal na unang sinuri.

Sumailalim naman anila ang mga ito sa RT-PCR Test kung saan lalabas ang resulta mamayang gabi o bukas.

Una nang nanawagan ang Quezon City government sa lahat ng mga dumalo sa community pantry ni Locsin na lumapit sa lokal na pamahalaan at mag-avail ng libreng swab test.

(BASAHIN: Isa sa mga dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, may sintomas ng COVID-19)

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *