ABS-CBN network
National

Mga dating empleyado ng ABS-CBN, may hindi magandang karanasan sa network

MULING binalikan ng isang dating empleyado ng ABS-CBN ang hindi magandang karanasan nito sa ilalim ng giant network.

Sa Facebook post ni Christopher Mendoza, dating manggagawa ng ABS-CBN network, ibinahagi nito ang nangyaring protest rally noong June, 2010 ng mga empleyado sa pangunguna ng ABS-CBN Internal Job Market (IJM) workers union.

Nag-ugat ito matapos tanggalan ng trabaho ang nasa higit 100 empleyado ng wala man lang maagang notice.

“June 2010, nang ipaglaban namin ang karapatan namin bilang isang manggagawa. Ano ang pinagkaiba ng 100+ na manggagawang tinanggal noon at sa sinasabi ng mga artista ngayon na maraming apektado kung sakaling masara ang ABS. Eh, pare-pareho namang tao,” pahayag ni Mendoza.

Pagbabahagi pa ni Mendoza na isang umaga ay pinapapirma na lamang sila ng isang kontrata para matanggal sa pagseserbisyo.

Pananakot pa sa kanila noon, na kung hindi sila pipirma sa kontrata ay sapilitan silang ilalabas ng mga security.

Kailangan daw naming pumirma, ‘pag hindi pumirma ilalabas na ng ABS ang ayaw lumabas, sapilitang ilalabas ng security.”

Samantala, taong 2002 nang nagsampa ng kaso ang grupo laban sa ABS-CBN Corporation dahil sa ilang labor malpractices ng kumpanya tulad na lamang ng hindi pag-iimplementa ng regularisasyon sa trabaho.

Maraming karapatan ani Mendoza ang nawala sa kanila bilang isang empleyado.

Pagbabahagi naman ni Antonio Perez, presidente ng ABS-CBN Internal Job Market Worker’s Union, na dumating pa sa punto na nag-offer ang management na permanent employment kapalit ng pagbawi sa kanilang reklamo.

Kaya naman aniya masuwerte pa rin ang mga kasalukuyang manggagawa ngayon ng network dahil noong nakaraang taon pa nila alam ang posibleng pagsasara ng ABS at mapaghahandaan pa nila.

Hindi tulad anila noon, na gumising na lamang sila isang araw na wala na pala silang mga trabaho.

“Kami nga, biglaan tinanggal. Samantalang kayo last year pa nang ipaalam na pwedeng masara ang ABS. So, nakapaghanda na kayo. Real talk lang mga kaibigan, hindi niyo alam kung ano naging buhay namin noon. May mga anak na pinag-aaral, pinapakain, parating pa ang kapaskuhan. Buti na lang hindi kami pinabayaan ni God.”

Samantala sa inilabas namang official statement ng ABS-CBN Corporation, mariin nilang inihayag na wala silang nilalabag na batas.

Anila ang mga inilalabas na alegasyon sa kanila ay walang katotohanan.

Sumusunod anila sa lahat ng mga kailangan ipasa at sumasailalim sila sa lahat ng government at regulatory approval para sa kanilang prangkisa.

Sa huli, ipinunto ng pamunuan ng ABS-CBN na mananatili sila sa kanilang adbokasiya na makapaglingkod sa lahat ng mga Pilipino lalong-lalo na sa panahong ito na marami tayong kinakaharap na iba pang sitwasyon.

Sa ngayon ay nakabinbin pa din ang franchise bill ng ABS-CBN sa Kamara.

Matatandaan nito lamang din Lunes nang magsampa ng quo warranto petition suit ang Office of the Solicitor General sa Supreme Court para mapawalang bisa ang prangkisa ng giant network.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *