CORONAVIRUSNational

Mga classroom, iminungkahing gawing quarantine facility

WoodProfit

IMINUNGKAHI ni Marikina Representative Bayani Fernando na gawing mga quarantine facility ang mga classroom para sa asymptomatic and mild COVID-19 cases.

Ayong kay Fernando, 1 is to 1 ang ratio o isang pasyente sa isang classroom ang ipatupad para maagapan ang pagkalat ng virus.

“I am proposing that asymptomatic individuals be quarantined in classrooms and the ratio would be 1:1 or one classroom, one COVID-19 positive person. In this way, we can prevent further transmission,” pahayag ni Fernando.

Dagdag pa ng kongresista na dapat nakabukod ang treatment sa may mga mild case at hindi ito dapat ihalo sa mga ospital.

 

Mababawasan rin aniya ang takot ng publiko na magpa-confine sa quarantine dahil hindi sila sa ospital dadalhin kung saan naroon ang mga may sakit.

 “The people are afraid to go to these facilities. So they would rather choose to stay in their homes, putting their families at risk of infection. We have to allay the fear of the patients while at the same time protect the well-being of their families,” ayon pa kay Fernando.

Giit pa ni Fernando na dapat ilipat ang mga positive cases sa bawat mag-anak dahil sa epekto prone ng hawaan sa virus kapag hindi ito inilagay sa isolation.

PHOTO JOB

Kung maibubukod aniya ang bawat pasyente sa isang maluwag na pasilidad, maiibsan aniya ang pagkalat ng virus.

Giit ni Fernando, ngayong walang magaganap na face to face classes ay ipagamit na lamang ang mga classroom bilang quarantine facility lalo pa at may sarili itong palikuran.

Sa pagtaya ng kongresista, nasa isang milyon ang classrooms sa buong bansa.

SMNI NEWS

 

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close