Mga bilanggo, kasama na sa B-4 category vaccine priority list

Mga bilanggo, kasama na sa B-4 category vaccine priority list

KINUMPIRMA ng DOH na kabilang na rin sa B-4 Category vaccine priority list ang mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL).

Gayunman, hindi pa matiyak ng DOH kung kailan sisimulang bakunahan ang mga bilanggo dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa na-ideliver ang mga bakuna.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Health Vaccine Cluster Head Undersecretary Myrna Cabotaje na posibleng maisagawa agad ito sa mga susunod na araw dahil ang inaasahang mga karagdagang Sinovac vaccines ay darating na sa bansa ngayong Abril at Mayo.

Nilinaw naman ng DOH na bukod pa ito sa Pfizer vaccines na darating din sa bansa ngayong  buwan at ang 20,000 dosis ng Gamaleya vaccines na gawa ng Russia.

Samantala, ang supply naman ng AstraZeneca vaccines na gagamitin bilang second dose para sa mga unang naturukan noong nakalipas na buwan ay darating naman sa Mayo o sa Hunyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *