Mga batang may comorbidity, uunahin sa pilot pediatric vaccination

Mga batang may comorbidity, uunahin sa pilot pediatric vaccination

UUNAHAHING mabakunahan ang mga batang kabilang sa A3 o iyong may comorbidity ngayong nalalapit na pilot pediatric vaccination sa October 15.

Ayon kay Dr. Drew Camposano ng Pediatric Infectious Diseases Society of the Philippines kabilang sa mga 12-17 years old na eligible na mabakunahan ay ang mga nagtataglay ng congenital na sakit, genetic conditions, neurologic conditions, mga obese, at iba pa.

Mapapabilang naman aniya sa A1 group ang mga anak ng mga heathcare worker. Ngunit kung may comorbidity ang mga ito, hindi na ito mapapabilang sa A3.

Maliban sa requirement na parent consent, kinakailangan ding ipresenta ng magulang o legal guardian ang medical certificate na nagpapatunay na may comorbidity ang bata.

Paalala naman ng pediatric infectious expert na kailangan kasama ng bata ang magulang nito sa iskedyul ng kanyang vaccination upang bigyan ng kaalaman sa bakuna.

Pipirma naman ng assent ang bata kung papayag itong magpabakuna.

Dagdag ni Camposano unang isasagawa muna ang vaccination sa walong ospital na nasa National Capital Region.

Kabilang dito ang National Children’s Hospital, Philippine Heart Center, Pasig City Children’s Hospital, Fe del Mundo Medical Center, Philippine General Hospital, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center at Philippine Children’s Medical Center.

Maaaring magbigay ang bawat City health office ng kanilang listahan ng mga batang may comorbidity sa naturang mga ospital.

Sunod namang magsasagawa ng vaccination ang mga ospital ng bawat lokal na pamahalaan pagkatapos ng pilot implementation ng pediatric vaccination sa NCR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *