Mga bata at kabataan susunod ng mababakunahan — Galvez

Mga bata at kabataan susunod ng mababakunahan — Galvez

DARATING din ang araw na maisasama na sa mababakunahan ang mga bata at kabataan ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr.

 “Talagang bibili pa tayo ng additional vaccine para sa ating lower bracket from 17-1 years old which comprises 29 million (of the population),” pahayag ni Galvez.

Dagdag ni Galvez nagsimula na ang ibang bansa tulad ng United States at Canada sa pagbabakuna sa mga bata na may edad dose hanggang kinse.

Binanggit rin ng vaccine czar ang katagumpayan ng Israel sa pagkakaroon nito ng mataas na vaccination rate.

“Sinasabi ng Israel, ng mga expert po nila doon, na hindi natin fully mai-eliminate ang disease kung may sizeable amount ng population na hindi pa po nabakunahan. So ibig sabihin po talagang dapat mabakunahan natin lahat ng ating mamamayan para ma-eliminate natin yung disease,” ayon kay Galvez.

Una na ring sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) vaccine expert panel head Dr. Nina Gloriani na hinihintay ng bansa ang aplikasyon ng Pfizer-BioNTech tungkol sa paggamit ng mga bakuna nito sa mga mas batang populasyon.

Saad naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na kinakailangan ng pamahalaan ng P20-B para sa pagbabakuna ng 15 milyong teenagers.

(BASAHIN: Duterte, pinatitiyak ang agarang distribusyon ng COVID-19 vaccines)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *