makatatanggap
Regional

Mga barangay sa Zamboanga City, makatatanggap ng dump compactor at garbage trucks.

IPAPAMAHAGI na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang ikalawang batch ng garbage copactor at dump trucks sa nasa 20 barangays sa darating na lunes, Disyembre a-2.

Ayon kay City Public Services Officer Rodrigo Pagotaisadro, ang mga susunod na barangay na makakatanggap ng nasabing equipments ay ang Barangay Arena Blanco, Bunigao, Cabaluan, Cacao, Guisao, Lamisahan, Manicahan, Mampang, Talabaan, Victoria, Bolong, Panubigan, Capisan, Dulian-Upper Pasonanca, Malagutay, Pamucutan, Sinubong, Talisayan, Patalon, at Sta. Barbara.

Ani Pagotaisidro, per batch nila ipinapamahagi ang mga trucks at ang mga barangay na may pinaka-kailangan dito ay binibigyan na agad nila ng prayoridad upang agad na nilang masimulan ang kanilang solid waste management.

Pinaalalahanan naman nito ang mga opisyal ng barangay na responsibilidad nila na panatilihing malinis ang kanilang nasasakupang barangay base na rin sa memorandum circular na inisyu ng Department of Interior and Local Government o DILG at City Ordinance 2016-176.

Iginiit din nito na ang hindi pagsunod sa kautusan ng DILG at haharap sa karampatang parusa.

Sa ngayon, ayon kay Pagotaisidro, kokonsultahin nila ang mga kapitan ng bawat barangay sa kanilang lugar upang malaman kung anong klaseng equipment ang kanilang kailangan para ma-implementa na ang solid waste management program sa kanikanilang lugar.

Matatandaan na natanggap na ng unang 20 barangay ang kanilang mga equipments noong November 25.

 

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *