barangay officials
Metro

Mga barangay officials na lumalabag sa batas sa unang paglabag, nais suspendehin

IMINUNGKAHI ni Manila Mayor Isko Moreno Domogoso sa Senado na magkaroon ng batas o special law para sa sinumang barangay officials na mahuhuling lumalabag sa batas o hindi gumagawa ng kanilang tungkulin.

Ito ay kasunod ng mandato ng DILG sa mga alkalde na papanagutin ang sinumang opisyal na kanilang nasasakupan na nasa likod ng road obstruction sa kanilang sakop.

Sa batas na gustong mangyari ni Isko,  agad na masususpend o made-demolish sa kanilang posisyon ang sinumang brgy chairman o ang mga local police sa first offense pa lang ang mahuhuli sa akto ng mga paglabag.

Ibinunyag ng alkalde na marami sa mga kapulisan at brgy chairman sa Manila ang tumatanggap ng lagay para makalusot ang mga illegal parking at vendors sa kanilang lungsod.

Igniit ng alkalde na para mas mabisang malinis ang Maynila ay hindi dapat tumanggap ng suhol o lagay ang mga lokal na opisyal nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *