bagong kagamitan
National

Mga bagong kagamitan ng PNP, binasbasan ngayong araw

BINASBASAN ngayong araw ang mga bagong kagamitan ng Philippine National Police sa Camp Crame sa Quezon City.

Pinangunahan ang ceremonial turnover at pag-inspeksyon sa mga bagong kagamitan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.

Kabilang sa mga bagong gamit ng PNP ang 95 units ng 4×4 pick up, 10,000 units ng striker fired 9 mm pistol, 78 units ng squad automatic weapon 5.56 light machine gun, mga bala ng 9 mm, combat helmets at tactical vest.

Sinabi ni Albayalde na ang bagong batch ng mga kagamitan ay gagamitin ng bagong Special Task Force Units maging ng Regional Maneuver Forces.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *