Mga bagon para sa MRT-7, darating na sa susunod na linggo —SMC

Mga bagon para sa MRT-7, darating na sa susunod na linggo —SMC

DARATING na sa susunod na linggo ang mga bagon para sa MRT-7.

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) na ang unang batch ng Korean-made train carts o mga bagon para sa Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) ay darating na susunod na linggo.

Sa isang pahayag sinabi ng SMC na maide-deliver ang mga train car bago pa makumpleto ang naturang proyekto at ang test run nito sa December 2022.

Kabilang sa mga bagon para sa MRT-7 na darating ay ang dalawang train sets at anim na cars, mula sa Hyundai Rotem ng South Korea.

Dagdag ng SMC marami pang trains ang ide-deliver sa mga susunod na buwan hanggang makumpleto ang 108 coaches.

Ang MRT-7 ay ang P63 billion project na magdudugton sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

Kabilang ito sa mga pinakamalaking proyekto ng kumpanya kasunod ng P735-billion project na New Manila International Airport na itatayo sa Bulacan.

Ayon sa SMC 54% ng kumpleto ang MRT-7.

Saad ni SMC President Ramon S. Ang posible ang mga pagkaantala dahil sa mga restriksyon sa gitna ng pandemya at right-of-way issues. Pero maaari itong mabawasan aniya.

“As we’ve said before, the MRT-7 project is in many ways more difficult and complex than even our recently-competed Skyway Stage 3—which in itself is an engineering feat,” he said. “This is because MRT 7 has added complexities such as electric power systems, computer and communications systems, signaling systems and automatic fare systems, among others,”ayon kay Ramon Ang.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *