Mga biktima ng bagyong Maring sa Benguet, tatanggap ng ayuda mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga biktima ng bagyong Maring sa Benguet, tatanggap ng ayuda mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Balde-baldeng ayuda ang ipinagkaloob ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ para sa mga residente ng La Trinidad, Benguet. Isa sa mga lugar sa norte na sinalanta ng bagyong Maring.

Nasa 500 pamilya o katumbas ng limang libong indibidwal ang tatanggap ng ayuda ngayong-araw ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ.

Ang nasabing mga residente ay pawang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Maring sa Northern Luzon, at isa ang lalawigan ng Benguet sa mga lugar na hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyo.

Marami ang nawalan ng mahal sa buhay, naluging mga pinagkakakitaan at pag-asang halos bitawan ng mga residente.

Gayunman, pag-asa ang dala ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ at SMNI Chairman para magpaabot ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Nakatakdang tumanggap ng regalo mula sa butihing Pastor ang mahigit kumulang limang libong indibidwal.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *