pag-aalboroto ng Bulkang Taal
National

Mga apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal, mahigit 77, 000 na

MAHIGIT 77, 000 indibidwal na ang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal sa CALABARZON.

Ayon sa NDRRMC, ang 17,555 na pamilya o 77,438 na indibidwal na apektado ay mula sa Batangas, Laguna at Cavite.

Ilan din sa apektadong residente ay pansamantalang nanunuluyan sa 283 na evacuation centers sa rehiyon.

Ilang daan din ang hindi madaraanan ng motorista dahil sa ashfall o ipinatutupad na lock down.

Mahigit 74 milyong naman ang halaga ng pinsala ng agrikultura ng nasabing pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Pinsala ng Taal Volcano eruption sa sektor ng agrikulura, mahigit P3-B na

Umabot na sa P3.06 –B  ang iniwang pinsala sa sektor ng agrikultura ng pagputok ng Taal Volcano.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Agriculture-CALABARZON at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kabilang sa mga apektado ang mga pananim na kape, cacao, pinya, bigas, niyog at iba pang high value agricultural produce.

Higit naman aniyang apektado ang fisheries sector na may estimate losses na nagkakahalaga ng P1.6 bilyon.

Ayon din sa ahensya, nasa 1,970 ektarya ng lupa at 1,923 na mga hayop ang apektado ng pag-alboroto ng bulkan sa CALABARZON.

Una nang tiniyak ng Agriculture Department sa mga apektadong magsasaka at mangingisda sa rehiyon na magbibigay sila ng P21.7 milyon cash aid para tulungan bumangon ang mga ito.

Dagdag pa rito, nagpadala na rin ang kinauukulang ahensya ng mga feeds at gamut para sa lahat ng mga na-rescue hayop.

Mahigit 70 hayop, nasagip sa Talisay, Batangas

Nasagip ng Philippine National Police (PNP)-Maritime Group ang mahigit 70 na hayop sa Talisay, Batangas.

Karamihan sa mga naligtas ay mga kabayo na nabalutan na ng abo.

Pinakain kaagad ang mga pawang nanghihinang hayop matapos maiwan sa isla ng ilang araw.

Pinangunahan ng mga miyembro ng PNP-Maritime Group ang pagsagip sa mga naiwang hayop.

Sa ngayon ay nakataas pa rin sa Alert Level 4 ang estado ng bulkan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *