Mga alternatibong ruta para sa SONA inilatag ng MMDA

Mga alternatibong ruta para sa SONA inilatag ng MMDA

UPANG maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko ngayong araw, inabisuhan ang mga motorista na daanan ang mga alternatibong ruta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Handa na ang mga tauhan ng MMDA sa re-routing scheme para sa  SONA ng presidente.

Ayon sa ahensiya, magtatalaga sila ng 1,360 personnel para gabayan ang mga motorista sa re-routing scheme na ipatutupad sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City para sa huling SONA ni President Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang mga assigned personnel ay kinabibilangan ng traffic enforcers, Road Emergency Group personnel, Motorcycle Patrol Units, at Sidewalk Clearing Operations Group.

Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na dadaan sa Commonwealth Avenue na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta.

Sa mga pribado at pampublikong sasakyan na pa-Northbound mula Quezon Memorial Circle papuntang Fairview na magmumula sa Elliptical Road ay maaaring dumaan sa North Avenue, Mindanao Ave., Quirino Highway, Commonwealth Ave, patungo sa inyong destinasyon.

Para naman sa mga sasakyang pa-Southbound na mangagaling sa Fairview papuntang Quezon Memorial Circle na magmumula sa Elliptical Road, maaaring dumaan sa Commonwealth Avenue, Quirino Highway, Mindanao Avenue, North Avenue papunta sa inyong destinasyon.

Maaari rin daanan ng mga light vehicle mula Quezon Memorial Circle patungong Fairview ang sumusunod na ruta sa Marikina mula sa Elliptical Road (QMC), kumanan sa Maharlika, kumaliwa sa Mayaman, kumanan muli sa Maginhawa; kumaliwa muli sa C.P. Garcia; lumiko pa-kanan sa Katipunan Ave.; kumaliwa sa A. Bonifacio Ave.; dumeretso sa Gen. Luna Ave.; kumanan muli sa Kambal Road; kumaliwa muli sa GSIS Road; kumaliwa pa muli sa Jones St.; kumanan sa Gen. Luna Ave.; dumeretso sa A. Mabini St.; kumaliwa sa Rodriguez Highway; at muling kumaliwa sa Payatas Road papunta sa destinasyon.

Mula sa C-5 maaaring kumaliwa sa Magiting; lumiko pakanan sa Maginhawa; kumaliwa muli sa Mayaman; Kalayaan patungo sa destinasyon.

Para naman sa mga trucks ay maaring dumaan sa Katipunan/C-5, C-5/Luzon, Congressional Ave. papunta sa inyong destinasyon.

Nagbukas naman ang MMDA ng zipper lanes o papayagan ang pag-counterflow ng mga sasakyan sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue sa U.P. Techno Hub at Tandang Sora para ma-accommodate ang dagsa ng mga sasakyan na nasa northbound lane.

Naglagay din ng mga plastic barrier at traffic cones sa zipper lanes  para magabayan ang mga motorista.

Ang mga ambulansya, tow truck at military truck ay nakaantabay din para sa mga hindi inaasahang insidente.

Nagsaagawa naman ng clearing operations ang MMDA para tanggalin ang mga illegally parked vehicle at iba pang road obstructions sa mga sumusunod na lugar: Batasan Hills, Litex Road, Tandang Sora, Visayas Ave, Congressional Avenue, C-5 Road, Magiting, Maginhawa, Mayaman, at Kalayaan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *