Mga aktibista sa Myanmar, pininturahan ng pula ang kalsada

Mga aktibista sa Myanmar, pininturahan ng pula ang kalsada

PININTURAHAN ng mga aktibista sa Myanmar ang mga kalsada ng pulang pintura na nagrerepresenta sa dugo ng mga namatay na indibidwal sa mga kilos protesta.

Nagsaboy ng pulang pintura at tinain sa mga kalsada at palatandaan sa labas ng mga tanggapan ng gobyerno ang mga aktibista sa Myanmar. Ito ay upang kumatawan sa dugo ng mga napatay na nagpoprotesta laban sa Junta.

Ang mga larawan ng mga nasawi sa kilos protesta, isinabit ng mga aktibista sa Myanmar kasabay ng pagpipintura ng pula sa mga kalsada.

Ang mga display na mga larawan ng mga nasawi kasama ang pulang pintura sa mga pader at kalsada ay naglalayong ipahiya ang militar sa lahat ng syudad at probinsya.

Kasabay nito ay marami pa ring nagmamartsa at nananawagan sa pagpapalaya ng lider na si Nobel laureate Aung San Suu Kyi.

Si Suu Kyi ay idinetine mula noong Pebrero 1 dahil sa mga kaso na maaaring magdulot sa kanya ng pagkakakulong ng 14 na taon.

Samantala, ang kanyang mga abogado ay tinaggihan ang mga paratang laban sa kanya.

Wala namang ulat ng mga kilos protesta kahapon pero hindi pa rin ito malinaw dahil walang impormasyong pumapasok sa internet matapos itong hadlangan ng Junta.

(BASAHIN: Prime Minister ng Thailand, binigyang-diin na nagbigay ng humanitarian assistance sa Myanmar refugees)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *