Mga aktibidad sa pista ng Sto. Nino de Tondo at pista sa Pandacan, Maynila, bawal muna

Mga aktibidad sa pista ng Sto. Nino de Tondo at pista sa Pandacan, Maynila, bawal muna

BAWAL muna ang mga street party, stage show, parada at palarong kalye sa pista ng Sto. Nino de Tondo at pista sa Pandacan, Maynila sa weekend.

Batay ito sa Executive Order No. 02 na inisyu ni Mayor Isko Moreno sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Nakasaad din sa EO na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng alak at iba pang alcoholic beverages sa Pandacan at Tondo areas sa Enero 16 hanggang 17.

Dapat din aniyang mahigpit na ipatupad sa dalawang lugar ang Manila City Ordinance 5555 o ang pagbabawal na uminom ng alak sa mga pampublikong lugar at ang pagpapatupad ng curfew hours.

Hanggang ngayong araw, mayroon ang lungsod ng 25,354 COVID-19 cases kung saan 331 ang active cases dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *