Mga airline company handang magpatupad ng travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19

Mga airline company handang magpatupad ng travel restrictions dahil sa bagong variant ng COVID-19

AMINADO ang Airlines Operator Council at ang Manila International Airport Authority (MIAA) na bagamat apektado ang mga international arrival flights sa Ninoy Aquino International Airport Authority sa ngayon ay ilan pa lamang ang naiulat na mga airline ang nagpatupad ng travel restrictions partikular na sa mga papaalis na flights dulot  sa new coronavirus variant.

Ayon naman kay Connie Bungag, spokesperson, MIAA, sa ngayon ang Saudi Airlines pa lamang ang naiulat na nagpatupad ng cancellation simula pa lang nitong nakaraang linggo dahil sa naturang strain virus.

Pero ayon naman kay  Airlines Operators Council Chairman Allan Nepomuceno handa ang mga airlines na sumunod sakaling  maglabas na ng  travel restriction ang national government dahil sa COVID variant.

Matatandaan ilan sa mga bansa ang naitalang may confirmed case of new coronavirus variant na una nang naiulat na nagsimula sa United Kingdom.

Kabilang na dito ang bansang Australia, Canada, Denmark, France, Germany, Hong Kong, Ireland, Italy, Japan, Singapore, South Korea, Spain, Sweden at The Netherlands.

Samantala patuloy pa rin ang repatriation ng NAIA One-Stop-Shop, na binubuo ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kabila ng paglabas ng panibagong virus partikular na sa UK at nagresulta ng pagpapatupad ng mga lockdown mula sa iba’t ibang mga bansa.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac,  umaabot na sa higit  386,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang napapauwi na ng pamahalaan sa kani-kanilang mga tahanan at probinsiya.

Bagama’t bahagya na aapektuhan at na-delay ang mga flights ng mga OFW partikular na ang mula sa Middle East, ay umaasa pa rin si Cacdac  na  makakahabol pa rin na makauwi ang mga OFW  bago mag Bagong Taon para  makapiling ang kanilang pamilya.

Dagdag din ni Cacdac para naman sa mga OFW na nagmula sa mga bansang may strain virus ay agad din naman sila isinasailalim sa  swab test at pagkatapos dadalhin sila sa New Clark City sa Pampanga,  para sa kanilang quarantine.

Ini-ingatan ng NAIA Terminal 3, coast guard personnel ang identity ng mga OFW na galing sa mga bansang partikular na sa UK at agad din naman nila isasakay sa mga bus para dalhin sa Clark para sa 14-day mandatory quarantine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *