Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
National

Mga ahensya ng gobyerno, lumahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw

LUMAHOK ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa isinagawang fourth quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa buong bansa ngayong umaga.

Eksaktong 9:00 kaninang umaga nang pinangunahan ng mga government official ang ceremonial pressing ng button na hudyat ng pagsisimula ng shake drill sa ceremonial venue sa Calapan, Oriental Mindoro.

Sa pagtunog ng hudyat, sabay-sabay na “nag-duck, cover and hold’ ang mga lumahok.

Maliban sa mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan, nakiisa din ang Quezon City General Hospital kung saan kabilang sa senaryo dito ang paglikas sa mga pasyente maging ang mga estudyante at empleyado ng iba’t ibang paaralan na nagsilabasan sa kanilang mga silid-paaralan at ang iba ay nagtago sa ilalim ng lamesa.

Nakilahok din sa earthquake drill ang MRT-3 kung saan limang minuto rin ipinahinto ang lahat ng tren.

Nagki-duck, cover and hold ang mga empleyado nito habang nagsilabasan ang mga empleyado sa MRT-3 depot sa Quezon City matapos ang kunwaring pagtama ng malakas na lindol.

Ilan ding mga pribadong kumpanya ang nakiisa sa drill.

Nagkaroon din ng iba’t ibang senaryo kabilang na ang rescue operation sa mga nasugatan at iba pang senaryo na maaring mangyari sa oras ng lindol.

Layunin ng naturang aktibidad na alamin ang kahandaan ng publiko sakaling dumating ang malakas na paglindol.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *