Metro Pacific Tollways Corp., target makapagkabit ng 2-milyon na RFID stickers

Metro Pacific Tollways Corp., target makapagkabit ng 2-milyon na RFID stickers

TULOY-tuloy ang pag-install ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng Radio Frequency Identification (RFID) stickers sa mga subdivision, local government unit (LGU), at mga kompanya.

Ito ang inihayag ni Romulo Quimbo, Chief Communications Officer ng MPTC, kung saan target nito na maka-install ng dalawang milyong RFID stickers.

Kung maalala, pinamamadali na ng Department of Transportation (DOTr) sa mga toll operators ang paglalagay ng mas maraming RFID sites.

Madaliin din ang paglalagay ng stickers sa mga sasakyan bago sumapit ang Disyembre 1 na siyang umpisa ng implementasyon ng cashless toll system.

Sabi ng DOTr, kailangang madaliin ang pagkakaroon ng lahat ng RFID ng mga sasakyan para maingatan ang mga motorista sa hawahan sa COVID-19.

Nauna nang itinakda sa Nobyembre 2 ang implementasyon ng cashless toll system ngunit napalawig ito hanggang Disyembre 1 upang mabigyang pagkakataon na mapalagyan ng RFID stickers ang lahat ng mga sasakyan.

Ang RFID ay naglalaman ng mga impormasyon kaugnay sa sasakyan at sa nagmamay-ari nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *