Metro Manila Shake Drill
Metro

Metro Manila Shake Drill, muling ikakasa ng MMDA

NAKATAKDANG isagawa ng Metro Manila Development Authority o MMDA ang 2019 Metro Manila Shake Drill sa Hulyo 27 sa ganap na 4:00 ng madaling araw.

Ayon kay MMDA Gen. Manager Jojo Garcia ay mainam na ma-ensayo ang mamamayan sakaling mangyari ang lindol sa madaling araw kung saan ang karamihan ay natutulog pa at nasa loob ng kani-kanilang tahanan.

Gaganapin ang drill sa apat na quadrants ng Metro Manila.

Partikular sa LRT Santolan sa East, Villamor Airbase sa South, Intramuros sa West at Veterans sa North.

Asahang magtatagal ang drill ng 15 hanggang 20 minuto.

Inaasahan ni Garcia na makikipagkaisa ang mga pribadong sektor habang tiniyak niya naman na makikiisa ang LGU sa nasabing aktibidad.

Idinepensa naman ni Garcia ang nakaraang earthquake drill na ginanap sa kasagsagan ng rush hour na nataon pa sa araw ng Biyernes, na ikina-inis ng marami.

Aniya, ang naturang drill ay isinagawa upang makita kung papaano reresponde ang mga ahensya ng gobyerno sakali naman na mangyari ang Big One sa panahon ng rush hour.

Mas maigi na din aniya na maensayo ang muscle memory ng mamamayan upang maging handa sa panahon ng sakuna.

SHARA MAE VENERACION 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *