CORONAVIRUSNational

Metro Manila, ilang mga lalawigan at lungsod sa bansa, mananatili sa GCQ

WoodProfit

MANANATILI  sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila o National Capital Region (NCR) habang niluwagan naman ang restriksyon sa Cebu City kungsaan ay inilagay na rin ito sa GCQ na magsimula sa Agosto 1 hanggang Agosto 15.

 

Ang nasabing bagong klasipikasyon ng quarantine ay inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang televised public address na ipinalabas kaninang umaga.

 

Kabilang sa mga lugar na isasailalim din sa GCQ ay ang Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, at Rizal sa Luzon; Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion sa Visayas; at Zamboanga City sa Mindanao.

Ilalagay naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang iba pang bahagi ng Pilipinas hanggang Agosto 15.

 

Para sa Metro Manila at Region IV-A na mananatili sa GCQ classification kungsaan ay istriktong ipaiiral ang localized lockdown o isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang mga barangay na mayroong 80% na kaso ng COVID-19.

 

Ipatutupad ito ng National Task Force,  Department of Interior and Local Government,  at Coordinated Operations to Defeat Epidemic Teams.

 

Bahagi rin ng protocols ay ang kaukulang pagpatutupad ng minimum health standards tulad ng massive targeted testing, intensified tracing, at pag-quarantine sa close contacts; pag-isolate sa mga kumpirmadong kaso at istriktong pagsunod sa implementasyon ng Oplan Kalinga.

Samantala, inatasan ang mga government hospital sa Metro Manila at  Region 1V-A na dagdagan ang kanilang hospital beds na ilalaan sa mga pasyente ng coronavirus hanggang sa 30-50% habang ang private hospitals ay binigyan ng direktiba na taasan ang hospital beds para COVID-19 patients hanggang sa 20-30%.

 

Sa kabilang banda, iniutos naman kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, na siya ring NTF Treatment Czar na i-monitor ang tiyak na pagsunod ng mga ospital  sa naturang mga lugar na nasa GCQ at ang pagpatutupad ng One Hospital Command System sa NCR, Region III, at Region IV-A.

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Kaugnay nito, inatasan naman ang local government units (LGUs) na magsumite ng daily updates at Weekly Comprehensive Reports na naglalaman ng araw-araw na trend ng active cases, numero at porsyento ng populasyon; kaso ng community isolation facility vs health facility vs home para sa priority areas o barangays na nasa ilalim ng localized lockdown.

 

Kasama rin sa isusumite ng LGUs ang porsiyento ng close contacts traced at ang porsiyento ng contacts sa quarantine; numero ng utilization ng community isolation beds; abutin ang health system capacity targets utilization; at imbestigasyon at resulta ng COVID Special teams.

 

SMNI NEWS

 

ProVen

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close