Metro Manila Council, bukas sa pagbabalik sa ECQ

Metro Manila Council, bukas sa pagbabalik sa ECQ

HANDA na ang Metro Manila Council (MMC) kung saka-sakaling isasailalim muli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) dahil sa banta ng Delta variant.

Sa kabila nito, inihayag ni MMC Chair Edwin Olivarez na depende pa rin sa mga rekomendasyon ng mga eksperto kung ano ang magiging susunod na estado ng Metro Manila.

Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ika-anim na State of the Nation Address na maaaring pagpatupad muli ng mas istriktong quarantine classification para maiwasan ang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.

Samantala, ayon naman kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nako-knotrol pa naman ang sitwasyon ngayon sanhi ng Delta variant.

Kaugnay nito, ngayong araw nakatakdang magpulong ang MMC hinggil sa sitwasyon sa Metro Manila.

Boboto sa mas mahigpit na quarantine qualification sa gagawing NCR mayors’ meeting

Isusulong ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine measures sa isasagawang emergency meeting ng Metro Manila mayors at Inter-Agency Task Force against COVID-19 ngayong araw.

Ayon kay Zamora, ala 1:30 mamayang hapon gaganapin ang emergency meeting ng Metro Manila Councils at IATF.

Tatalakayin aniya dito ang susunod na hakbang ng pamahalaan dahil sa dumadaming mga kaso ng mas nakakahawang Delta variants sa NCR.

Sinabi ng alkalde na kung magkakaroon ng botohan ay papanig siya sa mas mahigpit na restrictions.

Gayunman, nilinaw nito na depende pa rin ang kanyang boto sa magiging proposal sa pulong.

Una nang inirekumenda ng OCTA Research group ang dalawang linggong hard lockdown upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.

BASAHIN: 2 linggong lockdown sa NCR inirekomenda ng OCTA para maagapan ang pagkalat ng Delta variant

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *