Meralco, patuloy pa ang restoration activities sa Cavite, Laguna

Meralco, patuloy pa ang restoration activities sa Cavite, Laguna

NAGPAPATULOY pa ang restoration activities ng Manila Electric Company (Meralco) matapos ang hagupit ni Bagyong Jolina.

Sa update ng Meralco nitong alas singko ng umaga, labing anim na libo pa na kustomer nito ang wala pang kuryente.

Makararanas ng power interruption

Samantala, ilang konsyumer ng Meralco ang makararanas ng power interruption mula bukas Setyembre 10, 2021 hanggang sa Lunes Setyembre 13, 2021.

Narito ang iskedyul ng power interruption mula bukas Setyembre 10 hanggang Lunes Setyembre 13, 2021:

Setyembre 10, 2021

* Laguna partikular sa Biñan City – mula 9:00am hanggang 1:00pm

Setyembre 11, 2021

* Valenzuela City partikular sa Gen T. de Leon; at Laguna partikular sa Sta. Rosa City at Biñan City – mula 9:00am hanggang 2:00pm

* Quezon City partikular sa Sta. Teresita – mula 8:30am hanggang 11:30am

* Bulacan partikular sa Bustos – mula 8:30am hanggang 12:30pm

Setyembre 12, 2021

* Laguna partikular sa Calamba City – mula 9:00am hanggang 2:00pm

* Quezon City partikular sa Holy Spirit – mula 9:00am hanggang 3:00pm

* Bulacan partikular sa Calumpit at Pulilan – mula 5:00am hanggang 7:00am

Setyembre 12-13, 2021

* Cavite partikular sa Gen. Trias City – mula 4:30am ng linggo [Setyembre 12, 2021] hanggang 5:00am ng linggo [Setyembre 12, 2021] at mula 3:30am ng Lunes [setyembre 13, 2021] hanggang 4:00am ng Lunes [Setyembre 13, 2021].

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *