Meralco, may taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo

Meralco, may taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo

MAY taas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Hunyo.

Sa abiso ng Meralco, tataas ng 0.08 sentimos kada kilowatt hour ang kanilang singil sa darating na May bill.

Ito ay dahil sa pagsipa ng presyo ng kuryente sa spot market noong kalagitnaan ng Mayo 2021.

Ang dagdag-singil ay katumbas 16 pesos na dagdag bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; 24 pesos sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; 32 pesos sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at 40 pesos sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *