buwan ng Oktubre
Business

Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo

MAY bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Hulyo.

Bunsod ito ng iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na refund sa regulatory reset cost na P0.07 kada kilowatt hour at pagbaba ng transmission charge ng kuryente galing sa mga supplier.

Sa abiso ng Meralco, nasa P0.11 kada kilowatt hour ang ibababa sa kanilang singil ngayong buwan.

Katumbas ito ng P21 na bawas bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; 32 pesos sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P43 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P53 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *