BusinessNational

Meralco, kinuwestyon sa mataas na singil ng kuryente ngayong panahon ng pandemya

 

SA hearing ng House Blue Ribbon Committee kaugnay sa mataas na singil sa kuryente ng Meralco, iniisa-isa kung saan kumukuha ng kuryente ang kompanya.

 

Ayon kay Deputy Speaker Dan Fernandez, tatlo ang source ng kuryente na pinagbibilhan ng Meralco na may magkakaibang presyo.

 

Kabilang dito ay ang kuryenteng galing sa mga base power plant o ang murang uri ng kuryente.

 

Ikalawa ay ang mid-merit power source na mahal ng kaunti sa base power plant at pangatlo ay ang peaking power plant na siyang pinakamahal dahil ginamitan ito ng diesel.

 

Para mapababa ang bayarin ng mga kustomer, may sistemang ipinatutupad dito ang Meralco sa ilalim ng blended generation.

 

 

Pangamba ni Fernandez na baka mas umaangkat ng kuryente ang Meralco doon sa mas mahal na power source kaya mataas din ang bayad ngayon sa kuryente.

 

Pero ayon sa Meralco, walang panuntunan na ibinigay ang Department of Energy sa kung saan sila bibili ng kuryente.

 

Natukoy naman sa hearing na kumukuha ng kuryente ang Meralco sa First Gas Power Corp. o FGPC, isang kompanya na pagmay-ari ng Pamiyang Lopez na siyang may-ari rin ng ABS- CBN.

 

Natukoy din sa hearing na 25-taon ang kontrata ng Meralco sa FGPC na nagbebenta ng mahal na kuryente.

 

 

Pinagsusumite naman ang Meralco ng kanilang hourly schedule of supply para matukoy kung saan mas kumukuha ng kuryente ang Meralco sa ilalim ng blended generation.

 

Tinatayang nasa mahigit 50,000 bilang na ang reklamo na natatanggap ng ERC laban sa Meralco dahil sa mataas na billing ng kuryente.

 

Patuloy na inaayos naman ng Meralco ang sistema nito para sa mga naapektadong billing.

 

Ngunit tiniyak ng ahensya na walang mapuputulan ng kuryente sa mga kustomer nito hanggang sa katapusan ng Setyembre.

 

Patuloy naman na babayaran ng Meralco ang bayad para sa convenience fee para sa kanilang online transactions hanggang sa katapusan ng GCQ.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close