hindi pinaporma
Sports

Meralco, hindi pinaporma ang Northport sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup

KINURYENTE  ng Meralco Bolts ang Northport para bumagsak sa quarterfinals ng PBA Governor’s Cup sa iskor na 103-89.

Bumida sa panalo ng Meralco si Anjo Caram na kumalap ng career-high na 30 points.

Kumana din ng double-double na 26 points at 19 rebounds si Allen Durham, habang 17 points naman mula kay Chris Newsome.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng Bolts sa torneyo na nag-akyat sa koponan sa ikalawang puwesto taglay ang 8-2 na kartada.

Nabalewala naman ang 24 points ni Michael Qualls at 20 points ni Christian Standhardinger para sa Northport.

Ito na ang ikaanim na kabiguan ng Northport sa siyam na laro, at tabla na sa Alaska sa ikawalong puwesto sa standings.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *