Megastar Sharon Cuneta, inanunsyo na malapit na siyang magretiro sa showbiz

Megastar Sharon Cuneta, inanunsyo na malapit na siyang magretiro sa showbiz

INANUNSYO ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang isang Instagram post na kinokonsidera na nito ang pagreretiro sa showbiz.

Sa IG post nito, tampok dito ang isang larawan na may nakasukat na ““Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you.’ at caption na “on my way to retirement…”

Kaugnay nito pinalitan din ni Sharon ang kanyang IG bio ng “retiring soon.”

Ayon kay Sharon noong isang taon niya pang binabalak mag-retired at ngayon mukhang matutuloy.

Nagpasalamat naman ang aktres sa lahat ng mga sumuporta sa kanya lalong lalo na mga tumulong sa kanya na makarating sa rurok ng kasikatan kung nasaan siya ngayon sa halos apat na dekada sa industriya.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *