Medical groups, nananawagan ng mas mahigpit na restrictions sa buong Bicol Region

Medical groups, nananawagan ng mas mahigpit na restrictions sa buong Bicol Region

NAGKAROON ng joint letter sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang ilan sa mga medical groups ng Bicol Region upang maiparating ang sentimiyento ng mga ito patungkol sa dumaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Rehiyon.

Panawagan ng ilang mga medical groups ang mas pinaigting pang restrictions sa buong rehiyon ng Bicol upang mapigilan na ang pagkalat ng virus sa lugar.

Nanawagan ng implementasyon ng mas pinahigpit pang restrictions ang Philippine Medical Association (PMA), Philippine College of Physicians (PCP), Albay Medical Society at Camarines Sur Medical Society upang hindi mangyari ang posibilidad na matulad ang Bicol Region sa bansang India.

Nitong mga nakalipas na buwan, ang numero ng mga COVID-19 case sa 6 na probinsya ng Rehiyon ang naka alarma dahil sa patuloy nitong pagdami kung saan naitala nitong huling linggo ng Mayo at unang dalawang linggo ng Hunyo ang pinakamataas na bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.

Ayon sa Department of Health (DOH) data, ang Naga City, Albay at Sorsogon ay kabilang sa 36 priority areas due to critical Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.

Ang octa research din ay nagpahayag na ang top 20 Local Government Units (LGU’s) na may mataas na numero ng pagkakaroon ng kaso ay ang Legazpi City at Naga City as of June 14, 2021.

Ang Legazpi City ay may 51% na growth rate ng COVID-19 at 21% naman sa Naga City. Kung kaya’t nakikiusap ang DOH na magtayo ng isolation at quarantine centers ang mga LGU’s upang bumaba ang transmission ng sakit na COVID-19.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso sa ilang lugar, ang DOH ay nagbigay ng kasiguruhan na ang sitwasyon ay kontrolado pa at dahil dito, ang ahensya ay naglagay din ng mechanical ventilators at mga health care workers upang mag assist sa mga nasabing lugar.

 

(BASAHIN: Bilang ng mga inilikas na pamilya sa Bicol Region, nasa mahigit 29-K)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *