MECQ sa NCR Plus, dapat palawigin ayon sa OCTA Research

MECQ sa NCR Plus, dapat palawigin ayon sa OCTA Research

IMINUNGKAHI ng OCTA Research Team na palawigin pa ng isa hanggang dalawang linggo ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan nito.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA Research, kailangang hindi magpakampante ang lahat sa kabila ng pagbaba sa 2,000 ng daily average ng kaso ng COVID-19 sa NCR.

Sambit ni Rye, maituturing pa ring mataas ang positivity at average attack rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Malaki rin ang posibilidad na muling tumaas ang numero ng tamaan ng coronavirus kapag mas luluwagan ang klasipikasyon ng quarantine measures partikular sa NCR.

Kaugnay nito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na nagpulong na ang mga alkalde ng Metro Manila upang talakayin ang magiging rekomendasyon na susunod na quarantine status.

Sabi ni Abalos, kasama rin sa naturang pagpupulong ang mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), National Economic and Development Authority (NEDA).

HEAD2: Quarantine classification, inaasahang iaanunsyo ng Malakanyang bukas

Kaugnay nito, inaasahan namang iaanunsiyo ng Malakanyang bukas, araw ng Biyernes, ang susunod na quarantine classification sa bansa.

Saysay ni Roque, itatawag na lang nila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF at tiniyak na agad iaanunsyo ang pinal na desisyon ng punong ehekutibo hinggil dito.

Mababatid na magtatapos na sa Sabado, Mayo 14 ang umiiral na MECQ sa NCR at sa mga karatig na lalawigan.

(BASAHIN: MECQ, iminungkahing palawigin sa katapusan ng Mayo dahil sa Indian variant)

SMNI NEWS