Meat products na gawa sa bansa
Health National

Meat products na gawa sa bansa, tiniyak na ligtas

WALANG dapat ikabahala ang publiko sa pagtangkilik ng mga meat products na gawa sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Philippine Association of Meat Processors, Inc. o PAMPI Spokesperson Rex Agarrado kasunod ng naitalang kaso ng African Swine Fever sa ibang bansa.

“Pampi po would like to assure the public that lahat na canned meats at saka fresh frozen meat products that are produced and sold in the country today, do not contain materials from countries affected by ASF (African Swine Fever),” paniniyak ni Agarrado.

Suportado naman ng PAMPI ang pag-ban sa mga produktong karne na galing sa mga bansang apektado ng ASF dahil malaking panganib ito sa hog raising industry.

Subalit hiling ni Agarrado na sana ang aksyon ng gobyerno ay nakabatay sa siyentipikong paraan at alinsunod sa international regulating bodies.

Paglilinaw pa ni Agarrado, ang ASF ay isang uri ng virus na namamatay sa processing temperature na 70°C sa loob ng 20 minutos.

“Yung processing temperatures po natin sa ating industriya are all higher than 100 (degrees centigrade). So, if it is threat to the consuming public, zero po yung risk. In the first place, African Swine Fever does not affect human beings,” paglilinaw pa niya.

SMINNEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *