Mayorya sa nasawi sa COVID-19, hindi bakunado – DOH

Mayorya sa nasawi sa COVID-19, hindi bakunado – DOH

MALAKING porsyento sa mga nasawi sa COVID-19 sa bansa ay hindi pa nakatanggap ng bakuna o partially vaccinated pa lamang, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa 216,074 COVID-19 patients na na-admit sa mga ospital mula Marso 1 hanggang Nobyembre 14, 86% sa mga ito ay hindi fully vaccinated.

Mahigit 30,000 naman sa naturang bilang ang naiulat na nasawi kung saan halos 94% rito ang hindi pa nababakunahan o hindi pa nakumpleto ang bakuna.

Ani Vergeire, kumpara sa mga fully vaccinated, mas malaki ang tsansa na maging severe ang sakit o mamatay mula sa COVID-19 ang mga pasyenteng hindi bakunado laban dito.

“[COVID-19] severe and critical symptoms are 1.75 times more likely to occur among the unvaccinated, compared to those fully vaccinated. Also, deaths [from COVID-19] were 2.6 times more likely to occur among unvaccinated than those fully vaccinated individuals,” paliwanag ni Vergeire.

Base sa datos ng DOH, nakapagtala ang bansa ng pinakamataas na bilang ng daily fatality noong Setyembre kung saan 218 ang namatay.

Sa kasalukuyan naman ngayong Nobyembre, umabot lang sa 27 ang average COVID-19 related deaths ng bansa.

Ang mga nangungunang rehiyon na nagtala ng mga pagkamatay ngayong buwan ay ang rehiyon ng Ilocos, Gitnang Luzon, Metro Manila, Calabarzon, at ang Cordilleras.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang bansa ng 47,074 na pagkamatay dahil sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *