sa West Philippine Sea
National

Mayoridad ng mga Pinoy, gustong mabawi ang mga isla sa West Philippine Sea

SIYAM sa sampung Pilipino ang gustong mabawi ng Pilipinas ang mga isla na ino-okupa ngayon ng China sa West Philippine Sea.

Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS sa ikalawang kuwarter ng taong 2019.

Isinagawa ang survey sa 1,200 na respondent at tinanong “Kung sa tingin mo, importante bang maibalik sa Pilipinas ang kontrol ng mga islang inookupa ng Tsina sa West Philippine Sea?”

Lumabas sa survey na 93% ang naniniwalang mahalagang makuha uli ng Pilipinas ang mga isla, mas mataas ito sa 89% noong Setyembre 2018 at 87% noong Hunyo 2018.

Habang 74% ang pabor na mahalagang mabawi, 19% ang medyo pabor, isang porsyento ang medyo hindi mahalaga at isang porsyento ang sumagot na hindi naman mahalaga na mabawi ang mga isla.

Isinagawa ang pag-aaral mula Hunyo 22 hanggang 26 sa kasagsagan ng isyu sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank sa bahagi ng WPS.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *