Mayor Inday Sara
National

Mayor Inday Sara, walang balak makipagbati sa dating House Speaker

MARIING tinanggihan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang alok na pakikibagti ni dating House Speaker at ngayoy re-elected Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez.

Ginawa ni Mayor Inday ang reaksyon matapos magpahayag ng intensyon si Alvarez na makipagbati sa hangarin na makuha ang suporta ng nakababatang Duterte para sa speakership race sa papasok na 18th Congress.

Ani Duterte- Carpio, wala siyang balak makipag-ayos dahil nakikita nito na walang sinsiderad ang paghingi ng tawad sa kaniya ni Alvarez at wala rin daw itong tiwala sa pag-uugali ng dating House Speaker.

“I have no intention of accepting Rep. Bebot Alvarez’s offer of reconciliation because the offer was deceiving and utterly lacked sincerity,” pahayag ni Mayor Inday

Punto pa ng presidential daughter, mapanganib ang pagkatao ni Alvarez na may agresibong pag-uugali.

“Alvarez was and he remains to be a very dangerous, Machiavellian individual who does not deserve peace,” aniya pa.

Lingid din daw sa kaalaman ni Alvarez, batid ni Mayor Sara ang pagbabanta ng kongresista laban sa kaniya sa kasagsagan ng campaign period na makailang ulit namang nakunan ng video.

“Unknown to him, he was surreptitiously videotaped when he threatened, after his win in the recent elections in Davao del Norte, “Ipapahiya ko si Sara,” saad ng Davao City Mayor.

Matatandaan na Pebrero ng 2018 nang pumutok ang bangayan ng dalawa matapos tawagin ni Alvarez si Mayor Inday bilang kasapi ng oposisyon bunsod ng itayo nito ang regional party na Hugpong ng Pagbabago.

MJ MONDEJAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *