Mayor Sara hindi personal na dadalo sa huling SONA ni Pangulong Duterte

Mayor Sara hindi personal na dadalo sa huling SONA ni Pangulong Duterte

HINDI dadalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay Mayor Sara, hindi nagbago ang kanyang desisyon na hindi dadalo sa huling SONA ng kanyan ama sa darating na Hulyo 26.

Sinabi nito na kahit sa nakalipas na mga SONA ng Pangulo ay hindi rin ito pumunta para personal na masaksihan maliban na lamang sa unang SONA ng kanyang ama.

Ani Mayor Inday patuloy pa ang pag-uusap ng kanilang pamilya kung sinu-sino ang dadalo sa huling SONA ng kanilang ama.

Samantala una nang nagpahiwatig si Congressman Paolo Duterte na dadalo sa naturang aktibidad.

 

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *