Mayor Sara Duterte, tinawag na ‘Woman of Destiny’ sa papalapit na 2022 presidential elections

Mayor Sara Duterte, tinawag na ‘Woman of Destiny’ sa papalapit na 2022 presidential elections

TINAWAG ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na ‘Woman of Destiny’ si Mayor Sara Duterte.

Ito’y kahit panay tanggi ang Mayor ng Davao na tumakbong pangulo sa 2022 national elections.

“Yan ang ‘Woman of Destiny’…”ayon kay Pastor Apollo.

Iyan ang komento ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa programang Powerline para kay Davao City Mayor Sara Duterte dahil sa panawagan ngayon ng taumbayan na tumakbo itong Pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Kamakailan, nanguna si Mayor Sara sa Presidential Survey ng Pulse Asia kung saan 20% sa 2,400 adult respondents ang pabor sa kanyang manalo.

Ngunit sa kabila nito ay wala pa ring pahayag ang Mayor ng Davao kung sasali ba ito sa presidential race.

Pero ayon kay Pastor Apollo, hindi matatakasan ni Inday ang kaloob ng tadhana.

“Kahit anong iwas ni Mayora Inday, iwas talaga no? Sinabi nga nya noong nakaraan ako tatakbo nga ako Mayor lang diba? Iwas na, ayoko muna ganun ganun… ang puntirya talaga sa kanya ay doon. Yan ang tinatawag kong ‘Woman of Destiny,”dagdag nito.

Ibinahagi naman ni Pastor Apollo na ang isang kapahayagan kung saan si Mayor Sara ang Pangulo.

“8 days after manalo si Pangulong Duterte e binigyan ako ng kapayahagan ng ama na kasama ko si Sara. Sabi ko Day (sa bisaya), ikaw naman talaga ang susunod na Presidente ano ba ang solusyon mo dito sa EDSA. Binigyan niya ako ng sagot. When i woke up, I totally forgot what she told. Kaya ako noong nagpunta ako doon sa city hall noong meron kaming agreement about medical scholarship diba pumirma ako doon. Yun ang sinabi ko sa kanya. Sabi ko Mayor, sabi ko kung ito ang kalooban ng ama, matutupad,” ayon sa butihing Pastor.

Sa ngayon iba’t-ibang citizens movement ang humihimok kay Mayor Sara na tumakbong Pangulo.

At nangako ang mga ito na hindi titigil hangga’t hindi tatakbong Pangulo ang Mayor ng Davao.

“Yes nakikita ng marami kasi maganda ang nasimulan na ni President Duterte. At dapat mayroon continuity ng mga programa. So nakikita nila si Mayor Sara lang ang karapat-dapat na magpatuloy nito,”ayon kay Peter Laviña.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *