Mayor Sara Duterte, naglabas ng EO tungkol sa guidelines ng paggamit ng faceshield sa Davao City

Mayor Sara Duterte, naglabas ng EO tungkol sa guidelines ng paggamit ng faceshield sa Davao City

NAGLABAS ng Executive Order si Mayor Sara Duterte ukol sa guidelines sa paggamit ng faceshield sa lungsod.

Base sa bagong guidelines ng Executive Order 51 o order providing for the guidelines on the use of faceshields na nilagdaan nitong 30 ng Setyembre.

Ang bagong Executive Order ang modification ng nauna nang inilabas na Executive Order no. 65 o ang order consolidating all the issuances on the use of faceshields and all other or parts thereof na hindi tumutugma sa huling inilabas na EO.

Nakasaad sa Executive Order 65 ang mandatory na paggamit ng faceshield ng mga pasahero sa mga public transportation gayun din sa mga supermarkets, public markets, malls at mga lugar kung saan ginaganap ang mga pagpupulong ng tanggapan ng pamahalaan at kung saan isinasagawa ang mga critical government services.

Nakasaad sa EO 51 na ang mga faceshields ay kinakailangan lamang gamitin sa mga mataong lugar kabilang ang mga mass gatherings ng mga indibidwal tulad ng mga swab sites, evacuation centers, vaccination sites, distribution ng assistance at voters registration sa Comelec.

Ang bagong Executive Order ay agad namang ipapatupad alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Duterte na pag limita sa paggamit ng faceshieds.

Matatandaan na ang mandatory use ng faceshield ay kabilang sa COVID-19 protocol violations dito sa Davao City kaya’t mahalaga ang inilabas na bagong EO para hindi na malito ang ating mga kababayang Dabawenyo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *