Mayor Sara Duterte, hindi na tatakbo bilang Pangulo ng bansa

Mayor Sara Duterte, hindi na tatakbo bilang Pangulo ng bansa

HINDI na tatakbo bilang Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Ito’y matapos pormal nang tinanggap ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang endorsement ng PDP-Laban sa naganap na National Assembly kahapon, Setyembre a-otso.

Ayon kay Mayor Inday Sara, nauna na nilang napagkasunduan na isa lang sa kanilang pamilya ang maaring tumakbo sa national position.

Tiniyak naman ng mayora na hindi nakakaapekto sa relasyon nilang mag-ama ang naging desisyon ni Pangulong Duterte dahil iba aniya ang trabaho at iba rin ang pamilya.

Samantala, maaari pa namang tumakbo ng isa pang termino si Inday Sara bilang Mayor ng Davao City.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *