Mayor Sara Duterte hindi ikinokonsidera ang ECQ sa Davao City

Mayor Sara Duterte hindi ikinokonsidera ang ECQ sa Davao City

SA kabila ng rekomendasyon ng OCTA Research na kailangan nang ipasailalim sa ECQ ang Davao City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, nananatili pa rin ang posisyon ni Mayor Sara Duterte na hindi nito kinokonsidera ang ECQ sa lungsod.

Nilinaw ni Mayor Duterte na hindi nila napag-uusapan sa mga meeting nila sa lokal na pamahalaan ng lungsod ang pag-shift sa ECQ, sa kabila ng rekomendasyon ni Dr. Butch Ong ng UP OCTA Research, kung saan sinabi ni Dr. Ong sa isang local radio interview na kailangan nang i-upgrade ang classification ng lungsod dahil sa high incidence ng COVID-19 cases sa siyudad.

Ngunit sa isang hiwalay na interview sa mayora, sinabi nito na patuloy na susundin ng siyudad ang mga guidelines sa ilalim ng Modified ECQ at maging ang mga iba’t ibang executive orders na inisyu ng city government, upang makontrol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Kinokonsidera rin ng mayora ang patuloy na vaccination drive ng siyudad bilang isang mahalagang factor sa laban kontra COVID-19.

Samantala, kinumpirma rin ng Inter-Agency Task Force-Regional Task Force, sa isang local daily sa Davao na walang rekomendasyon ang LGU na ipasailalim sa ECQ classification ang lungsod.

Dagdag ng IATF-Regional Task Force, patuloy silang magbabase sa kanilang rekomendasyon sa IATF sa assessment ng local government unit—dahil mas direkta ang monitoring ng mga ito sa mga nangyayari on the ground.

(BASAHIN: Davao City Mayor Sara Duterte, bumwelta sa naging pahayag ni VP Robredo ukol sa COVID-19 response ng lungsod)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *