Mayor Sara Duterte, ‘di iiwan si BBM para kay Isko

Mayor Sara Duterte, ‘di iiwan si BBM para kay Isko

NANINDIGAN si Davao City Mayor at Vice Presidential Aspirant Sara Duterte Carpio na hindi siya makikipag-alyansa kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa nalalapit na eleksiyon.

Kasunod ito sa isinusulong na Isko-Sara (ISSA) tandem ng mga Muslim leaders sa bansa para sa 2022 national elections.

Ayon sa presidential daughter, mananatili siyang tapat sa Uniteam kasama si Presidential Aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nilinaw naman nitong respetado nito ang kanyang supporters sa pagpili ng kanilang ihahalal na pangulo.

Sinabi pa nito na mahalaga ang kanyang paninindigan at may isa itong salita.

Batid din nito na pare-pareho ang adhikain ng lahat para sa bansa kaya dapat aniyang iisa ang tinatahak ng lahat upang magtagumpay.

Umaasa naman si Mayor Inday na susuporta pa rin ang mga ito sa Uniteam at iginiit na mahalaga ang pagpili ng isang team na maglilingkod sa ating bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *