Mayor ng Maguindanao, nakaligtas sa ambush; 4 na relief workers, sugatan

Mayor ng Maguindanao, nakaligtas sa ambush; 4 na relief workers, sugatan

NAKALIGTAS si Mayor Reynalbert Insular ng Bayan ng South Upi sa lalawigan ng Maguindanao matapos ambusin ang convoy ng mga relief workers na namamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng giyera.

Nangyaring ang pang-aambush alas dos ng hapon sa bahagi ng Barangay Pandan sa Bayan ng South Lupi.

Kasama si Insular sa mga miyembro ng South Upi Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na pauwi na sa sentro ng bayan mula sa isang relief mission sa Barangay Itaw nang paulanan ng bala ang kanilang convoy ng mga armadong kalalakihan.

Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nailigtas ng mga miyembro ng 57th infantry battalionaang mga biktima na agad ring dinala sa ospital sa Cotabato City.

Matatandaan na noong Enero 1 ay dose-dosenang pamilya sa Barangay Itaw ang napilitang lumikas nang magpaulan ng bala sa kanilang mga tahanan ang mga armadong kalalakihan.

Naniniwala ang militar na ang mga suspek sa pang-aambush sa alkalde at ang armadong kalalakihan na nangharas sa Barangay Itaw ang kabilang sa parehong grupo.

Agad namang nagdeploy ng pwersa ng militar si Uy sa Barangay Itaw para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan at mga magsasaka.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *