Maynilad, magpapatupad ng rational water service interruption sa NCR

Maynilad, magpapatupad ng rational water service interruption sa NCR

MAGPAPATUPAD ng rational water service interruption ang Maynilad sa ilang lugar sa Metro Manila simula ngayong araw.

Ayon sa Maynilad, ito ay dahil kailangan nilang linisin ang kanilang treatment plants bunsod ng sludge matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Nag-isyu ang Maynilad ng mga schedules ng water service interruption mula Nobyembre 18 hanggang 24 sa Caloocan City, Malabon City, Makati City, Manila, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasay City, Quezon City, at Imus, Bacoor at Kawit sa Cavite.

Magbibigay naman ang Maynilad ng “water supply window” upang bigyan ang mga customer ng sapat na oras na mag-imbak ng tubig na kanilang kakailanganin.

Pinayuhan din ng kompanya ang kanilang mga customer na padaluyin muna ang unang-labas na tubig kapag bumalik na ang suplay nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *