CORONAVIRUSMetro

Contact tracing sa 3 opisyal ng Maynila na positibo sa COVID-19, sinasagawa

NAGSASAGAWA ng contact tracing ang pamahalaan ng Lungsod ng Maynila matapos nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong key official nito.

 

Isinagawa ang naturang aksyon upang matukoy kung sino-sino pa ang na-exposed sa nasabing nakamamatay na sakit ng 3 opisyal.

 

Hindi naman binanggit ni Mayor Isko Moreno Domagoso kung sino ang mga nasabing opisyal pero kasalukuyan nang naka-quarantine at nagpapagamot ang mga ito.

 

Kabilang sa mga opisyal ay dalawang department heads at ang isa naman ay konsehal.

 

Sa ngayon ay doble-ingat si Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan dahil sila mismo ay nakakasalamuha ang mga nasabing opisyal araw araw.

 

Sumailalim din sa COVID-19 testing si Moreno at Pangan na pareho namang nag-negatibo.

 

Dahil dito, muling nananawagan si Mayor Isko sa mga Manileño ng ibayong pag-iingat laban sa COVID-19.

 

Matatandaan nito lamang nagdaang Sabado at Linggo isinagawa ang lockdown sa 31 barangay sa lungsod para isagawa ang swab testing.

 

Nasa 8,689 dito na mga residente ay sumailalim sa testing kungsaan 172 dito ay nagpositibo at 136 ay dinala na sa pagamutan .

 

Sa huling tala, umabot na sa 147,071 rapid tests at 14,893 swab tests ang naisagawa na ng Manila City government sa lungsod.

 

Nasa 1,240 ang active cases, mayroong 564 ang suspect, 8 ang probable at 1,382 dito ay nakarecover na.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close